• guinhawa.jpg

HISTORY

Noong unang panahon may isang lugar na sakop ng Barrio Lumambayan na ang tawag at pangalan ay Talon. Noong taong 1950, sang-ayon sa batas na umiiral noong mga panahon na ‘yon na ang Sangguniang Bayan ay binibigyan ng kapangyarihan na magpalit at magbago ng mga pangalan ng isang lugar.

 

Ang Sangguniang Bayan ay nagpasa ng isang resolusyon at gumawa ng isang ordinansang nagpapalit sa pangalang Talon at makilala sa pangalang Guinhawa. 

 

Lumipas pa ang maraming panahon, ang Guinhawa, Babahurin, Mangga at Taberna ay dumami at patuloy na nadagdagan ang pupolasyon. Hanggang sa dumating ang petsang Agosto 15, 1990, sa pangunguna ng Head Petitioner Salvador O. Jaminola ng Tanggapan ng Sangguniang Barangay Lumambayan at sa pamamagitan ng isang resolusyon na nagsasaad na ang mga sitio ng Guinhawa, Mangga, Babahurin at Taberna ay ihiwalay sa Mother Barangay at makilala sa kabuuang pangalang Barangay Guinhawa. 

 

Taong 1991 buwan ng Pebrero nang tanggapin ng Sangguniang Panlalawigan ang mga legal requirements. Sa nasabing taon, ipinagtibay sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 175 ng Sangguniang Panlalawigan ang pagiging ganap na isang Barangay ng Guinhawa. 

 

Oktubre 25, 1992 nang manumpa ang mga kauna-unahang naging mga Barangay Officials ng Barangay Guinhawa sa harap ni Kgg. Punong Bayan Manuel Morente, Sr.; 

 

Salvador O. Jaminola - Punong Barangay Gervacio P. Monton - Kagawad Wilfredo F. Lawig - Kagawad Frediswinda M. Dael - Kagawad Salvador C. Maupay - Kagawad Cerilo L. Macalagim - Kagawad Orlanda M. Seld - Kagawad LeodegarioMonton - Kagawad Nelma M. Hernandez.. - Kalihim Gener M. Melaya - IngatYaman 

 

 Source: CBMS 2008

 

 

 

 

Login Form